OKAY na okay na si Ryza Cenon ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Cholo Barretto.
Mayo nitong taon nang kumpirmahin ni Ryza sa “Tonight With Boy Abunda” na tapos na ang kanilang relasyon ni Cholo.
Kung noon ay nasa “moving on” stage pa lang siya, ito at para na nga siyang namumukadkad na rosas na handang handa na sa pagaligid ng mga bagong bubuyog.
Ika nga niya, “New journey na, new chapter na tayo.”
Nang tanungin ukol sa napabalitang pagmamabutihan ngayon ng dating nobyo sa aktres na si Angelica Panganiban sey niya, “Kung ano man ang sa kanila, wala na ako doon, kaya nga break na kami e. So wala na.”
So, wala kang problema kung maging sila?
“Kung doon po sila masaya, masaya ako para sa kanila,” diin ni Ryza.
‘Yun na! (DELIA CUARESMA)