NASUNGKIT ng former child star na si Duday o Isabelle de Leon ang titulong Miss Multinational Philippines 2019 sa katatapos lang na Miss World Philippines 2019.
Nagpasalamat ang Kapuso star sa mga importanteng tao sa kanyang buhay na tumulong para maiuwi niya ang nasabing korona.
Aniya, “My heart is full with gratefulness. I wouldn’t be here if it weren’t for all of your love and support. That’s why I dedicate and share this victory with every single one of you.”
Tuloy pa rin siya sa pag-a-artista, of course.
Malapit nang mapanood si Isabelle sa highly-anticipated GMA Afternoon Prime series na “Madrasta.”
Magsisimula ang palabas ngayong Oktubre.
Dito ay gaganap si Isabel bilang isa sa mga kaibigan ni Arra San Agustin, bida ng show.
Bukod sa dalawa, makakasama rin nila sina Thea Tolentino, Juancho Trivino, Phytos Ramirez, Gladys Reyes, Manilyn Reynes, Almira Muhlach at iba pa.
Bongga! (DELIA CUARESMA)