GALIT na galit si Kris Bernal sa mga hackers ng kanyang social media accounts.
Aba’y hindi daw ito nakuntento na bigyan siya ng sakit sa ulo, hinihingan pa siya ng halos R40,000!
Wow, huh!
Si Kris mismo ang nagsapubliko nito sa pamamagitan ng isang video na uploaded na sa YouTube nitong Linggo.
Sa pamamagitan ng WhatsApp, tinawagan umano ng mga hackers si Kris upang hingan ng $750 para maibalik sa kanya ang kontrol sa kanyang social media accounts, kasama na ang kanyang email, Instagram, Twitter, at Facebook accounts.
Ani Kris, “Ginawa ko na lahat… everything… pero hindi ko na siya ma-retrieve.”
Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil pinaghirapan niya ang lahat ng laman ng kanyang social media accounts.
Sey niya, “I mean, I only got like 1.4M followers. It’s not as much as others but it took like how many years to get those.”
Dagdag pa ni Kris, “I started vlogging and everything dahil gusto ko magkaroon ng social media awareness. Gusto ko maging malakas sa social media because alam ko pag TV talagang may viewers na talaga ako sa TV. Pero sa social media, gusto ko ma-capture yung audience na ‘yon. Tina-try ko talaga yung best ko, like, every single day, I post something that is interesting. Ini-squeeze ko lang talaga siya sa schedule ko.”
Nanawagan ang aktres sa sinumang maaaring magbigay ng tulong sa kanya.
“If there’s someone who could help me retrieve my account, please help.” (Delia Cuaresma)