UMAMIN ang direktor ng “Lola Igna” na si Direk Eduardo Roy Jr. na hindi niya inexpect na manalo ang pelikula niya ng hindi isa, kundi apat na award sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).
Ito ang Best Picture, Best Actress, Best Screenplay at Best Musical Score.
Aniya, “Sobrang happy kami kasi ‘yun nga, hindi namin ine-expect na ibibigay sa amin ‘yun. Sobrang saya namin nung tinawag na kami ang Best Picture at lalung lalo na si Tita Angie na Best Actress.”
Pagbubunyag ni Direk Roy sa tagal na raw sa showbiz ni Angie Ferro ngayon lang raw ito nakakuha ng acting award.
“Actually, naiyak ako nung tinawag ang pangalan niya. Imagine, after 60 years nagka-award siya. Ang alam ko ito yung first award niya. Hindi ko alam kung mayroon siyang Best Supporting or whatsoever. Ang alam ko ito ang kauna unahan niyang pagbibida at kauna unahang award na natanggap niya.”
Mukhang suwerte at panay panay ang pagkakapanalo ng acting awards ang mga pelikulang ginawa ni Direk Roy gaya ng “Bahay Bata,” “Quick Change,” at “Pamilya Ordinaryo.” Sa nakaraang Cinemalaya nanalo naman siya ng Best Director sa pelikulang “F#*@BOIS.”
May mga nagsasabi na “after director” daw si Direk Roy dahil ang mga nagiging artista niya nanalo ng mga acting awards. Kaya nga raw kung gusto mo raw manalo ng acting award magpadirek ka sa kanya.
Ano ang masasabi niya rito?
“Siguro kasi nakikipagtrabaho talaga ako sa artista ko kumbaga yung collaboration ko with actors sobrang two-way ang balitaktakan na-i-re-release ko ang husay at nalalaman ko ang limitasyon, yung mga hindi niya kayang gawin. Nailalabas ko kung anong mayroon siya,” tugon ni Direk. (DANTE LAGANA)