RAMDAM na ramdam ng magaling na aktres na si Angelica Panganiban ang perwisyong dinudulot ng matinding traffic sa ka-Maynilaan.
Ito nga at panay ang tweet niya ukol dito.
Aniya “Tao tayo. Mamayanan tayo. Bakit walang choice? Bakit mo tatanggapin ang hindi tama? In this life time hindi tayo aalma sa traffic?”
Ng-comment pa ng simpatiya ang aktres ng “I feel you…” sa isang netizen na ang sabi ay “swerte ka pa mamsh kasi nakakotse. Kami madalas standing sa bus 3 hours minimum. Haayst.”
Sinundan pa ito ng magkasunod na tweet ng aktres na: “Tapos, walang care yung government? Naglalakad lang ba sila papuntang work? Or nakakalipad nang hindi natin alam?”
“So yung buhay natin, kalahating naubos sa kotse, kalahating stressed? Question… tatanggapin na lang ba natin ang sistema ng traffic ng bansa natin?”
Comment ng netizen sa tweet ni Angelica “Sana maraming kagaya mo na may boses ang may lakas loob. Dami kasi na masyadong comportable na ang buhay – wala na lang silang pake.”
Hmmm, dapat na bang i-assign sa traffic bureau si Angelica?
At kelan naman kaya siya magko-comment ukol sa balitang magjowa na raw si Derek Ramsay at Andrea Torres? Just asking lang naman. (DANTE LAGANA)