ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Masayang-masaya ako kapag bumibisita ako sa mga biyenan ko. Ang tawag kasi nila sa akin eh hulog ng langit. Pagbukas pa lang ng pinto ng bahay nila eh nakangiti na sila sa akin at tuwang-tuwa dahil bimisita ako. Laging sinasabi ng biyenan kong babae na ‘hulog ka talaga ng langit’. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng hulog ng langit?
Charlie ng Alabang
Hi Charlie,
Anong nakakatuwa dun eh hinulog ka nga sa langit! Ibig sabihin, pinalayas ka na, nilaglag ka pa sa langit. Si Lucifer eh galing sa langit at hinulog din! Malamang wala ka sa hulog. Eto ang sigurado ako, pinapalstik ka ng mga biyenan mo!
Hi Alex,
Madalas akong madapa. Bata palang ako eh lampa na ang tawag sa akin. Konting lakad lang, dapa agad. Hindi ako makalakad ng mabilis o makatakbo dahil madalas ako madapa. Ano bang mangyayari kapag madalas akong nadadapa?
Milagros ng Cainta
Hi Milagros,
Kapag madalas kang madapa, madalas ka rin pagtatawanan!
Hi Alex,
Marami akong naging ex-girlfriend pero hindi ko sinasabi sa misis ko. Minsan nga may mga nakakasalubong kaming EX ko pero hindi ko sinasabi sa kanya. Ayaw ko kasing pag-usapan ang nakaraan. Mahilig kasing magkumpara ang misis ko. Pero minsan, talagang mapilit siya. Gustong-gusto niya talagang malaman! Nangangako siyang hindi magagalit. Nagpromise talaga at nag-swear to God pa! Gusto ko na tuloy magkwento. Sabihin ko ba?
Danny ng Pasay
Hi Danny,
Huwag! Patibong yan!
Hi Alex,
Luma na ang bahay na tinitirhan namin ng misis ko. Matagal na kasi ito, mga 30 years na. Bahay kasi ito ng mga biyenan ko pero lumipat na sila at iniwan sa amin ang bahay. Medyo masisira na at gusto ko sanang iparenovate. Nagpaestimate ako at mukhang madami na ang aayusin. Malaki-laki ang gagastusin. Sa tingin mo Tito Alex, dapat ko na bang ipaayos ang bahay ko?
Mardie ng Taguig
Hi Mardie,
Bahay mo? Hindi mo bahay yan! Wag kang ambisyoso! Bahay ng biyenan mo yan!
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007