ANNULLED na siguro ang kasal ni Derek Ramsay sa kanyang non-showbiz wife, kaya kinontra niya ang sinabi ng isang basher na humirit na hindi naman daw niya mapapakasalan si Andrea Torres.
“That’s not true,” ang sagot ni Derek.
Abang-abang na lang tayo kung pakakasalan nga ni Derek si Andrea. May mga natuwa sa pag-amin nila sa kanilang relasyon. May mga nam-bash naman. Pinasalamatan ni Derek ang mga sumusuporta sa relasyon nila ni Andrea.
Hinamon naman niya ang bashers na humarap at magpakilala sa kanila ni Andrea para hindi ibinabase ng mga ito ang kanilang comments sa mga haka-haka.
Naipakilala na rin kaya ni Derek si Andrea sa anak niyang si Austin? Dito na sa Pilipinas ito nakatira with him.
Kapag nagkataon, instant mom si Andrea. Siya na kaya ang lucky woman na ititira ni Derek sa ipinapagawa nitong bahay somewhere sa South?