Dear Manay Gina,
Ang aking problema ay tungkol sa aking kapatid na babae. Maaga siyang nabiyuda kaya sa amin siya tumira kasama ang aming magulang. Makalipas ang 20 taon, muli siyang umibig at nagpasyang makipag-live-in. Isinama niya sa paglipat ang kanyang dalawang anak.
Isang araw, may napakialaman yata ang aking pamangkin, na ikinagalit ng kanyang ka-live in. Dahil dito, nasaktan niya ang bata. Sa halip na ipagtanggol ang sariling anak, kumampi pa sa kanyang kinakasama ang aking kapatid. Ngayon, sa amin na nakatira ang mga bata. Wala akong asawa kaya parang anak ko na ang aking mga pamangkin. Ano ang aking gagawin para makumbinsi ang aking kapatid na napakamali ng ginawa niyang pagkampi sa kanyang boyfriend?
Annie
Dear Annie,
Nasa hustong edad na ang iyong kapatid, at mahirap mo na siyang pasunurin o pagsabihan. Ang patuloy na pagmamahal at pag-aaruga sa iyong mga pamangkin ang pinakamainam mong kontribusyon upang maging maayos ang sitwasyon. Ipaliwanag mo sa mga bata, na wala silang nagawang mali, at wala silang kasalanan kaya nagkaganoon ang takbo ng kanilang buhay. Idalangin n’yo na lamang na magbago ang iyong kapatid. And bless you and your parents for being there for them.
Nagmamahal,
Manay Gina
*
“Where can a person be better than in the bosom of their family.” – Marmontel Gretry
*
Send questions to dearmanay[email protected]