HINDI nagustuhan ni Arnell Ignacio ang ginawa ng dalawang bading na boy scouts na sina Dave Salvador at Renz de Leon na nag dance showdown suot ang kanilang mga uniporme sa isang episode ng “Gandang Gabi Vice.”
Himutok ni Arnell sa Showbiz Talk Ganern sa DZRH, “Hindi dahil naaliw tayo ay tama. Bigyan naman natin ng sagrado na, like Boy Scouts, iilan na lang nga ‘tapos, gagawin pa nating katawa-tawa, nakakaaliw na nagsasayaw…”
“Okay na nga yung bakla, e. Wala naman akong isyu dun, e. Pero ‘yung paggalang mo naman sa uniporme ng Boy Scouts, ‘tapos sasayaw ng the usual na… ano na lang ang natira sa atin kung lahat na lang, puwede nating baklain? Iilan na lang ‘yan, e. Puwede ba nating i-spare na lang ‘yan?”
Bago ito, nag-viral ang video ng dalawa na humahataw ng sayaw sa isang camping event.
Pero para kay Arnell, hindi porke’t nag-viral at pinag-usapan, kaagad dapat ipalabas sa TV.
“Sa akin lang, anything na na-pick na nag-viral na video, ‘tapos ilabas mo na sa telebisyon, nagkakaroon na siya ng mas malaking importansiya lalo. Hindi ba puwedeng rebyuhin ‘yung sarili natin na wala naman tayong ilalaman lagi sa isip natin na basta lang mag-trending, natawa tayo, sige na?
“Wala na tayong katiting na regulation? Wala na ba tayong katiting na discretion na para naman may magsabi ng, ‘Uy, huwag naman ‘yan! Hayaan mo na, meron pa namang ibang nakakatuwa.’ Kasi, tatamaan na yung pangalan ng Boy Scouts.
“Hindi naman siguro karagdagdang development ‘yung paglandiin mo yung mga kasapi sa Boy Scouts. Ang dami-dami pa namang puwede.”
Anong sey mo Vice? (DELIA CUARESMA)