NAGKAAYOS na ang magkaibigang Bela Padilla at Dani Barretto.
Marami ang nagulat nang nag-unfollow-han sa social media ang dalawa kamakailan.
Ang mga kaibigan naman nila sa showbiz ay nalungkot, dahil nga sa mahaba din ang pinagsamahan ng dalawa.
Pero ayon kay Bela “misunderstanding” lang ang lahat.
Aminado siyang may pinagdaanan sila ng kanyang bestie pero normal lang naman daw ito sa mga relationship.
Nagkausap na nga daw sila at maayos sila.
Ayon kay Bela isang maliit na bagay daw iyon na pinalaki lang ng media.
At diniin ni Bela na pina-follow na nila ni Dani ang isa’t isa sa social media.
Bakit nga ba niya inan-follow ang kaibigan in the first place?
Ito daw ay dahil sa isang fan.
Apparently, binulungan siya nito na inan-follow siya ni Dani at nairita daw siya kaya inan-follow niya ang kaibigan.
Pero nagkausapo na daw sila mula noon at nagkapaunawaan na sila.
Hiling ni Bela sa mga fans at media na sana hindi na pinapalaki ang maliliit na bagay na maaring maging sanhi ng pagkakasira ng mga relasyon. (DELIA CUARESMA)