ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Balita ko ngayong araw ang birthday mo Tito Alex ha! At balita ko may birthday shows kayo ngayong buwan ng October kasi ito ang birthmonth niyo! Big fan mo ako kaya gusto ko sana malaman kung totoong madami kang show this month. Gustong-gusto kita mapanuod sa live dahil sa madalas lang ako manuod sa Youtube. Saan po ba ang mga shows niyo this month Tito Alex?
Renchie ng Makati
Hi Renchie,
Maraming salamat at isa ka palang fan. Tama, birthday ko ngayon.
At marami akong shows this month. Pero bago kita sagutin eh may sasabihin muna ako. Buti na lang kahit nanunuod ka lang sa Youtube eh hindi ka nagrereklamo na paulit-ulit ang ibang mga jokes. Natural paulit-ulit eh kasi Youtube yan. Manuod kayo sa live! Magbayad din naman kayo paminsan-minsan! Libre na nga sa Youtube, nagrereklamo pa kayo! Saka, may mga Pinoy din na nakalagay na sa posters ang information pero matatanong pa rin! Susmaryosep naman! Yung iba naman, kapag sa Makati ang show, magtatanong kung meron sa Quezon City! Kapag meron naman sa Quezon City, maghahanap naman sa Alabang! Ano ba talaga gusto niyo? Kung papayag kayo, sa loob mismo ako ng bahay niyo mag-sho-show! Anyway, ito na ang mga sagot sa tanong mo!
October 7, 7PM: Tribu Babaylan, Quezon City
October 9, 7PM: Open Kitchen Sheridan
October 9, 9PM: 102 Izakaya Valero, Makati
October 10, 8PM Alta by Relik Santolan Town Plaza
October 11, 8PM Open Kitchen Congressional
October 12, 8PM Open Kitchen P. Tuazon
October 12, 9PM 19 East Sucat, Paranaque
October 16, 9PM The Belle and Dragon C. Palanca Makati
October 18, 8PM City Gardens Makati Ave. Makati
October 18, 9PM New World Hotel Manila
October 19, 8PM Comedy Manila Theater Tour Rockwell Makati
October 25, 8PM Alex Calleja’s Bday Show TIU Theater Makati
October 30, 9PM The Belle and Dragon C. Palanca Makati
Ayan ang mga shows ko! Kitakits ha!
Hi Alex,
Nakakainis ang mister ko! Ang haba ng sasabihin ko sa kanya, ang isasagot lang smiley o kaya “K”! Nakakairita at nakakainit ng ulo! Ang dami mong sinabi, linabas mo lahat ng nararamdaman mo, ang buong pagkatao mo, tapos “K” lang ang sagot! Kaya ang gusto ko malaman, ganyan ba talaga kayong mga lalake, maiikli sumagot!
Danix ng Quezon City
Hi Danix,
Hindi
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007