ROBIN Padilla took time to make a video simply to defend showbiz colleagues who were bashed for joining President Duterte’s Russian trip.
The video, shared by actor Phillip Salvador, saw the action star allowing a mouthful for critics.
He said, “Kailangan kong ipagtanggol yung mga kaibigan ko, nagbabasa ako kanina, may mga nakikita ako diyan. Binabanatan niyo si Kuya Ipe, si Cesar Montano, at si Moymoy, bakit sila nasa Russia. At kung sasabihin ng mga bumabatikos na ito na ‘yung mga kaibigan ay binili, nilibre ng pamasahe, hindi po totoo ‘yan.”
He insisted, “Kami ang bumibili ng pamasahe po namin. Ang mga hotel namin, ang nagbabayad niyan, kami. Mukha ba kaming walang pera? Pambihira naman kayo, o.”
He also added, “Kapag pumupunta po kami sa abroad, kasama namin ang mahal na Pangulo, si SBG (Senator Bong Go) at ang gabinete, hindi naman po kami nakikisama sa kanila, sa kainan nila, sa kung saan-saan, hindi po. Nagpupunta kami, sumasama kami sa Presidente, hindi dahil sa kung anu-anong official business. Sumasama kami dahil para sa mga Pilipino, ini-entertain namin ang mga Pilipino na walang bayad. Naintindihan niyo ‘yun? Nagsiserbisyo lang kami sa mga OFW natin. Kasi ‘yung mga OFW, ‘yun ang mga tunay na bayani.”
The action star would go on to dare bashers and critics to share tax records.
He said, “Yung mga bumabatikos, kayo ba nagbabayad ng tax? Puwede ba tayo magyabangan bago niyo kami tirahin? Bago niyo tirahin si Kuya Ipe, bago niyo tirahin si Cesar, bago niyo tirahin si Moymoy, at ibang artista, maglabasan nga tayo kung magkano ibinabayad natin sa tax? Hinahamon ko kayo, kahit kayong mga pulitiko na bumabanat sa amin, maglabasan nga tayo ng tax. Pakitaan tayo.”
Near the end of the video, he asked, “Masama ba kaming humahanga sa Presidente? Masama ba kaming sumaludo sa isang Presidente? Hindi masama, karapatan namin ‘yun at pera namin yun. Wala kayong pakialam.” (RAMPADOR ALINDOG)