MAY pakwelang talbugan ang magkaibigang sina Alessandra de Rossi at Lovi Poe sa social media.
Ito ay pagdating sa pagsusuot ng bikini.
Nagsimula ito sa isang throwback photo na ipinost ni Lovi kamakailan sa Instagram kung saan nakadapa siya sa buhanginan at tila nagpapa-tan.
Aniya sa caption, “TAN-tanan niyo ‘ko!”
Dagling binweltahan ito ni Alex ng sarili niyang bikini photo kung saan nakadapa din siya sa buhanginan.
Caption niya, “To @lovipoe: tan-tanan mo ako. Ngayon lang din!”
Sinagot ito ni Lovi ng isa pang bikini photo kung saan nagkomento si Alex nang: “Pagod ako lovi! Wag ngayon!”
Hindi ito natapos doon.
Noong Linggo, nagpost si Alex ng isa pang bikini photo niya.
Sey niya sa caption: “Ilabas nyo yang lovi na yan! Asan sya? Taga saan ba yan? Ready ako!”
Tawang-tawa si Lovi sa tinuran ng kaibigan.
Kahit si Heart Evangelista ay sumingit din ng tawa.
Of course, alam naman ng lahat na matagal ng magkakaibigan ang tatlo.
Naging malapit sila habang ginagawa nila ang seryeng “Legacy” sa GMA7 noong 2012.
‘Yun na! (DELIA CUARESMA)