Hi Ms. Rica,
May kaunti lang po akong katanungan. Yung gf ko po kasi is virgin pa, eh nagtalik po kami pero never ko ipinasok ang ari ko sa kaniya. Kinaskas ko lang po ang ari ko sa kaniya, tapos po nilabasan ako sa ibabaw niya. May posibilidad po ba na mabuntis ang gf ko? Four days na po kasi siyang delayed. Salamat po, wait ko po ang sagot niyo.
Kaskas Lang
Hello Kaskas Lang,
Salamat at napasulat ka. Sa pagsusulat ko dito sa Tempo, mukhang ang pinakamaraming tanong ay tungkol sa pagbubuntis. Sa totoo lang, hindi ko na masagot lahat dahil sa dami nang nagmemessage sa akin kung buntis ba sila o ang girlfriend nila. Kung may crystal ball lang ako ay sana nahulaan ko na lahat ng sagot kung buntis nga ba o hindi. Hehe.
Para sa simpleng sagot sa iyong tanong: oo, may posibilidad na mabuntis ang iyong girlfriend kahit na hindi mo ipinasok ang ari mo sa kaniya. Kung nilabasan ka sa ibabaw ng kaniyang ari at may napuntang semen sa bukasan ng kaniyang pwerta o vaginal opening ay pwedeng makapasok ang live sperm cells sa kaniya at makapagpa-fertilize ng egg cell – na posibleng mauwi sa pagbubuntis. Posible ito, lalo na kung malalakas at healthy swimmers and sperm cells mo. PERO sobrang dalang din nitong nangyayari at kadalasan ay hindi ito nauuwi sa pagbubuntis. Madami pa kasing factors na kailangan i-consider para mabuntis ang isang babae, katulad ng kaniyang overall health at well-being.
Kung ang sinasabi mo ay delayed na ang regla ng iyong girlfriend, mas makabubuti kung kayo ay mag pregnancy test na. Kaya malaman ng pregnancy test kung buntis ba ang babae o hindi sa unang araw pa lang ng pagkadelay ng menstruation. Mas makakaigi ito para hindi na kayo mangamba pa. Usually, isa pang rason para madelay ang mens ng babae ay ang pagiging stressed niya. Kaya kung pareho kayo ng girlfriend mo na worried at kabado, pinakamadali at accurate na solusyon ay ang pag-pregnancy test.
Sa susunod na pagkakaskas, baka mas maigi na iwasan na lang ang labasan sa ibabaw ng pwerta, para hindi magkaroon ng kahit anong paraan para makapasok ang sperm cells sa vagina ng iyong girlfriend. Or better yet, gumamit kayo ng proteksyon katulad ng condom para safe din kayo from getting any sexually transmitted infection. Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.