PAK NA PAK ang dating ng partner ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa latest picture na kanyang ipinost sa Instagram.
Kahit kita ang matambok niyang behind sa suot niyang sexy off-shoulder black gown ay very elegant pa rin si Sarah.
Sa tindig at dating, hindi mo aakalain na may dalawang anak na ang dating 2010 Ultimate Female Survivor ng “Starstruck” na sigurado kaming marami pa ring mga barako diyan ang nahuhumaling.
Gawa ni Boom Sason ang damit. Sinuot ito ni Sarah sa Red Charity Gala, isang annual fund-raising fashion show.
In any case, hindi lang naman kami ang humanga sa kuhang ito ni Sarah.
Pero mayroon din nag-comment nang hindi maganda, huh?
Sabi nga ng isa, “Pumayag si Richard na ganyan ka daring ang suot ni wifey juskolord!”
If we know Richard, wala siyang paki. Very supportive husband ito at base na rin sa birthday greeting kay Sarah ay mahal na mahal niya ito.
Part of it read, “You are not only my best friend and my fiance, but you are my greatest gift from above. You are my constant source of Love, happiness and contentment. The kids and I are forever thankful that we have you in our lives.”
‘Yun na! (DANTE A. LAGANA)