ANG tindi ng pasabog ni Ina Raymundo sa social media patungkol sa 18th birthday celebration ng anak na si Erika Rae Portunak.
Nag-post lang naman siya ng isang mapangahas na video ng anak kung saan makikita ang truliling nakakapag-init laman na mga posing nito kung saan-saan, kasama na ang patumbling-tumbling sa isang madilim na kuwarto at mga paliyad-liyad sa mabatong dalampasigan.
Kuha ang video ng Nice Print Photography and Exige Weddings, at obvious na nagmana si Erika sa ina pagdating sa kaseksihan.
Ika nga eh, kung si Ina may theme song na “Sabado Nights” courtesy of the Rizal Underground, kay Erika naman ang “All Day And All Of The Night” ng The Kinks.
Bakit? Ito ay dahil tiyak na gugustuhin mo siyang araw-arawin…na makita, siyempre.
Ise-celebrate ni Erika ang kanyang debut sa Oct. 19 at hindi kami invited.
Kainis! (DELIA CUARESMA)