NASA getting-to-know each other stage pa rin ang status ng relasyon nina JM de Guzman at Ria Atayde. “We’re friends. Pero puwedeng mag-level up,” ani Ria sa “Tonight with Boy Abunda.”
Itinanggi niyang binasted niya si JM. Wala pa naman daw itong itinatanong sa kanya para bastedin. Wala pa sila sa ligawan stage, basted agad?
May chance na sagutin niya si JM sakaling ligawan siya nito. Mabait, caring at marespeto raw si JM.
Ayon pa kay Ria, kasundo ng family niya especially her mom, Sylvia Sanchez si JM. Close raw ang dalawa. Mahilig naman daw i-bully ng dad niya si JM na ibig sabihin nu’n, okey si JM sa dad niya ,ani Ria.
Aniya pa, okey din si JM sa kanyang Kuya Arjo and her younger siblings. It’s your move, JM!
PANG-PIYANSA
Isang inmate sa BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) sa Tagaytay ang nakapag-piyansa dahil kay Yasmien Kurdi. Nag-taping siya roon ng “Beautiful Justice” at nakita niya ang paintings na gawa ng mga inmate.
Nalaman niyang ang bawat painting na mabibili ay katumbas ng pang-piyansa ng mga inmate doon. Bumili si Yasmien ng isa na “Tsismisan sa Umaga” ang pamagat na ipininta ng inmate na si Jason Bautista.
Ang inmate na si Maricris Estrada ang mapalad na nakapagpiyansa dahil kay Yasmien. Sobrang pasasalamat nito sa Kapuso actress dahil makakapiling na nito ang nawalay na anak.
Hinihikayat ni Yasmien ang mga kababayan natin na bumili rin ng painting na gawa ng mga inmate sa BJMP Tagaytay para sa piyansa ng mga bilanggo roon.
May one month painting exhibit sa Corean Gate, Bel-Air, Makati City simula sa October 22 at 3 pm.
LAGLAG
Masama ang loob ng Noranians sa pagkalaglag sa MMFF 2019 ng “Isa Pang Bahaghari” ni Nora Aunor. Baka hindi ito pumasa sa pamantayan ng Selection Committee?
Puwede naman daw ito isali at ang iba pang hindi napiling pelikula sa Metro Manila Summer Film Festival.