MARIAN Rivera has apologized for her comment on traffic, which triggered several netizens who went on to accuse her of being a callous snob.
The actress said, “Traffic? Parang matagal nang may traffic. Wala nang dahilan para ikonsume mo sarili mo sa traffic. Kung may lakad ka, e ‘di pumunta ka ahead of time para ‘di ka ma-trapik.”
She added, “Sa sasakyan, ‘pag traffic, andaming puwedeng gawin. Mag-cellphone ka, magsulat ka. E ‘di iyon ‘yung ‘me’ time mo sa sarili mo, ‘di ba? So andaming puwedeng gawin mo ‘pag traffic.”
Taking to Instagram, Rivera explained, “Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview – kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip – ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin – at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted.”
She went on, “Pinaninindigan ko po ang aking sagot and I take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang – hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami.”
“Kinikilala ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay – wala pong may gusto nito. Peace everyone.” (Rampador Alindog)