ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
***
Hi Alex,
Madalas kaming magtalo ng mga kaibigan ko kung ang isang spa ay clean spa or yung may happy ending. Happy ending ang ibig sabihin spakol! Madami na kaming pinupuntahan at kapag natapos kami ay pinag-uusapan namin kung yung pinuntahan namin ay spakol at hindi. Madami kaming mga paniniwala or senyales kapag spakol ang napuntahan namin. Kapag maganda ang receptionist at mga masahista, spakol yun. Kapag hindi masyado marunong ang masahista, spakol yun. Kapag masyadong mabango at naka-make-up pa, spakol yun. Spakol din kapag nasa tagong lugar at hindi halatang spa. Mas lalong kahina-hinala kapag walang sign sa labas. Kapag habang minamasahe naman, spakol kapag laging natatamaan si manoy. O kaya abot na sa singit ang masahe, medyo senyales na spakol na yun! Kaya lang nahihiya kami manghusga kaya nagpapamasahe na lang kami ng maayos. Ang tanong ko, paano ba talaga naming masisigurado na spakol ang napuntahan namin Tito Alex?
Dino ng Pasay City
Hi Dino,
Para malaman mo kung spakol ang napuntahan niyo, itanong niyo! Diretsahin mo na, walang paligoy-ligoy! Kesa naman nagpapakiramdaman kayo, tanungin mo na! Kapag hindi eh di move on!
***
Hi Alex,
Bakit kapag inaamoy ko ang utot ko, nababanguhan ako. Kapag inaamoy ko naman ang utot ng iba, hindi ako nababanguhan? Ano ba ang misteryo nito?
Lyndon ng Caloocan
Hi Lyndon,
Walang misteryo dun! Ang misteryo ay bakit mo inaamoy ang utot mo! At ang mas higit na misteryo eh bakit mo inaamoy ang utot ng iba! Libangan mo ba yan!
***
Hi Alex,
Bakit nauuso ang expression na ‘sana oil’ Lagi kong nababasa ito sa mga social media status at comments! Sana ba nagsimula ito at sino ang nagpasimula?
Lenlen ng Divisoria
Hi Lenlen,
Yan din ang tanong ko eh! Kasi bigla na lang nauso yan! Ang alam ko galing yan sa ‘sana all’ tapos biglang naging ‘sana oil’. Naiinis na nga ako eh! Napalitan ang ‘eh di wow’! Sarap sana pagsamahin ‘no! Mas nakakainis. Eh di wow, sana oil!
***
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007