TUWANG-TUWA ang ilang mga barako sa tinuran ni Kim Domingo kamakailan.
Bukas na raw siyang muli sa pagpapa-sexy sa TV man o pelikula.
Bago ito, pinagdiinan ng aktres na hindi na raw siya tatanggap nang sexy roles.
Ito ay dahil gusto na raw niyang makilala bilang isang versatile na artista.
“Ayokong isipin ng mga tao na hanggang pagpapa-sexy lang ang alam ko, gusto ko makita nila na magaling din ako sa ibang roles likes sa comedy o drama,” sey ni Kim noon.
Taliwas ito sa naging pahayag niya kamakailan.
Aniya, “Kung may magandang role na sexy pero maipapakita ko pa rin ang alam ko sa pag-arte, why not?”
“Ako, hindi ko naman kasi sinara totally ang pinto pagdating sa ganyan. Depende talaga sa material, sa kuwento. Kasi, siyempre kung may project na maganda, di ba, tapos may halong ganun, then go.”
O, aya, huh? Calling all directors! Willing na uli magpa-sexy si Kim!
Pero teka, sino kaya ang gusto makapareha ng dalaga kung sakali?
Ayon kay Kim gusto raw niya si Alden Richards o si Dingdong Dantes.
Nakupo, baka giyerahin siya ni Marian dahil sa huli.
Ani Kim, kung hindi puwede si Dong si Marian na lang – idol daw niya ito.
Kim at Marian in a hot film? Aba mas okay ‘yun diba? (DELIA CUARESMA)