NAGKAROON ng big welcome sa musical variety show na Studio 7 ang actress-singer na si Glaiza de Castro last Sunday.
Nagbalik siya sa show after niyang matapos ang pag-aaral sa Point Blank Music School sa London.
Maraming isiniwalat si Glaiza sa show.
Isa na rito ang pana-naw ng Irish boyfriend niyang si David Rainey tungkol sa pagiging celebrity niya.
Aniya, “Since hindi siya kasi galing dito siyempre medyo naive pa siya dun sa kultura natin kailangan kong i-explain sa kanya bakit ganito ang bagay bagay bakit malayo yung mga pinupuntahan ko at bakit may nagpapa-picture.”
Aminado din si Glaiza na isa siyang selosang girlfriend.
Napagusapan na rin daw nila ng BF na if ever siya ang titira dito. Never daw kasing na-imagine ni Glaiza na tumira sa ibang bansa.
At wala raw naganap na secret wedding between them. Malayo pa raw sa isp niya ang magpakasal.
Kung bakit hindi siyang pinopost na naka-two piece swimsuit sa social media ito ay sa kadahilanang ayaw daw ng nanay niyang makitang tila labas na ang kaluluwa niya.
Natanong din siya kung may time ba na nagsuplada siya sa mga fans. Oo, ang mabilis na sagot ni Glaiza.
Ito raw any nagyari one time na kumakain siya at may gustong magpa-picture. Ayaw na ayaw daw ni Glaiza ang ganoon.
So alam na. Huwag magpapapicture ng kumakain si Glaiza. Hintayin na lang matapos kumain. Ganun! (DANTE A. LAGANA)