HINDI talaga matatapos ang Barretto sisters brouhaha dahil walang gustong tumigil sa kanilang word war. May famous line noon si Gretchen sa isang pelikula (or TV?) na , “You want war? I will give you war.” Naka-red stiletto shoes pa siya.
May lumabas na photo nina Gretchen at Atong Ang na natutulog sa loob ng eroplano na magkahawak-kamay pa.
Nag-react naman si Gretchen sa comment ni Ruffa Gutierrez sa IG photo ni Julia Barretto na “Freshhhh.” “Sawsaw pa more Ruffy! Take it! Take it!” post ni Gretchen. Matatandaang famous line ito sa Manila Filmfest scam noong 1994 kung saan host si Gretchen with Rocky Gutierrez na kapatid ni Ruffa.
Kalma lang si Annabelle Rama sa patutsada ni Gretchen kay Ruffa. Post niya sa socmed. “Huwag patulan. Don’t waste your precious time. Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante.” (ROWENA AGILADA)