PAPASOK na rin ba sa showbiz ang bunsong anak nila Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na si Ara Davao?
Aba’y sa ganda ng mukha nito, walang problema!
Puwede nga itong makipagsabayan sa mga young celebrities sa ngayong henerasyon.
Maraming napanganga at napa-wow sa ganda ng rehistro nang bumulaga siya sa TV via “It’s Showtime” kamakailan.
Sa tweet ng “It’s Showtime” co-host na si Karylle, nagpasalamat siya kay Ara na aniya, “Who’s that girl? #MagpasikatKRyan2019 Thanks, Ara Dabao for being a part of our team! I hope that one day you can do a #SpongeCola music video! Gracias, hermanita.”
Last May this year nag-graduate si Ara sa Ateneo de Manila University.
Sabi noon ni Jackie “Whatever path you choose to take, always know Mama will be behind you.”
Aprubado na ni mommy?
Ano kaya ang pipiliin ni Ara, Kapuso o Kapamilya?
Well, abangan kung saan natin siya makikita. (DANTE LAGANA)