TINAPOS na ni Vice Ganda ang espekulasyon tungkol sa kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ng “It’s Showtime” co-host na si Ion Perez.
Nangyari ito noong Sabado, pagkatapos ng performance niya bilang parte ng ika-10 anibersaryo ng ABS-CBN noontime show.
Sinimulan niya ang “announcement” sa pamamagitan ng pagtalakay hinggil sa pag-iisa.
Aniya, “Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin ‘yung sarili mo na kaya mo mag-isa.
“In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong.
“Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa.”
“At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.
“Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.
“At itong pangsampung taon ng ‘Showtime,’ ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.
“Meron na akong katuwang sa buhay.”
Nang tanungin ng mga co-host na sina Anne Curtis at Vhong Navarro kung sino ang tinutukoy niya, tinuro ni Vice si Ion.
Agad namang lumapit si Ion kay Vice at hinalikan ito.
Nang tanungin ni Vhong na, “Ion, may sasabihin ka ba?”
Sagot nito, “Wala, kasi yun nga ang lagi kong sinasabi ko sa kanya, siguro minahal ko sa kanya yung nakikita niyo sa kanya.
“Siguro bonus lang na naging Vice Ganda, pero yun talaga yung minahal ko – si Tutuy.”
“Tutuy” ang palayaw ni Vice.
Last year pa unang na-link romantically ang dalawa.
Umugong muli ang bulong-bulungan nitong Setyembre ng mag-post si Vice ng litrato nila ni Ion na magka-holding hands sila.
Wow, huh! (DELIA CUARESMA)