PITONG buwan na palang buntis ang misis ni Bungo, este, ni Baron Geisler na si Jamie Marie.
Inanunsyo ito ng aktor sa Facebook nitong Linggo.
Obvious na both excited and proud si Baron sa unang supling na ika niya ay babae.
May pangalan na nga ito: Talitha Cumi.
Sinulat niya sa caption sa photo ng ultrasound, “With a grateful heart, I introduce our lil’ princess beanie, Talitha Cumi. Coming out in Feb 2020.
“Please help me pray for mommy and baby’s health and safe delivery.
“I also appreciate any tips on parenting. God bless!
Dagdag pa niya, “Thank You Lord for this priceless blessing and answered prayer. Love you Jamie Marie!”
Unang nagkakilala si Baron at Jamie sa isang rehabilitation center sa Davao kung saan nagpapagamot ang aktor para sa kanyang problema sa alkohol.
Ani Jamie na-in-love daw siya kay Baron hindi dahil artista ito. Aniya may lalim daw si Baron at masarap kausap.
Naging mag-jowa sila last year.
Eventually, nagpakasal ang dalawa noong Sept 13.
Congratulations, you two! (DELIA CUARESMA)