INAABANGAN namin kung aamin si Ruru Madrid tungkol sa diumano’y binigay na expensive wristwatch sa kanya ni Jasmine Curtis-Smith.
Bilang pasasalamat daw ‘yun o appreciation ni Jasmine sa magandang working experience niya with Ruru sa ginawa nilang pelikula.
May tsikang nakarating sa amin na diumano, hindi nagustuhan ng rumored girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali ang gift-giving.
How true kaya na ibinato raw ‘yun ni Bianca out of jealousy?
May gano’ng factor?
Deny-to-the max si Ruru kapag tinatanong siya sa estado ng relasyon nila ni Bianca. Pero si Bianca, meaningful smile ang isinasagot.
From a source, sinabi nitong ang pagiging super selosa ni Bianca ang dahilan ng break-up nila ni Miguel Tanfelix. Sobrang “nasakal” daw si Miguel sa pagiging selosa ni Bianca. How true kaya?
SOLID PA RIN
Mukhang ceasefire muna ang Barretto sisters. Walang patutsadahan sa socmed. All Saints’ Day ngayon at kaabang-abang kung ano ang scenario sa libingan ng yumaong Daddy Miguel nina Gretchen, Marjorie at Claudine.
Nakabalik na ng Pilipinas si Gretchen mula sa kanyang US vacation. Mag-effort kaya siyang dalawin ang ashes ng kanyang daddy?
Nakadalo nga agad siya sa birthday party ng isang rich businessman kasama ang long-time partner niyang si Tony Boy Cojuangco at Atong Ang na ayon kay Gretchen, ay ang bago niyang “spokesperson” matapos meaning magpainterbyu ito sa “TV Patrol.”
Base sa mga kuha nila sa party, mukhang solid pa rin ang friendship nina Tony Boy at Atong. Palabas lang kaya?
At si Annabelle Rama, ilalabas kaya ang diumano 10-page letter na sinulat niya laban kay Gretchen?
TATANGGALIN NA?
How true na diumano, bilang na ang mga araw ng “Sunday Pinasaya?” Before the year ends daw ay tatanggalin na ang weekly show na ito ng GMA7.
Alam na raw ito ng cast and staff, kaya malungkot sila. Abang-abang na lang sa formal announcement ng Kapuso Network.