DADDY for the third time ang kauna-unahang “Survivor Philippines” winner na si JC Tiuseco matapos isilang ng kanyang longtime partner na si Atty. Alu Dorotan ang kanilang twin daughters noong nakaraang Oct. 25 sa St. Luke’s Medical Center.
Pinakita ni JC ang kanyang twins na sina Tali at Eli via Instagram:
“Hello World! Meet #Tali and #Eli #littletiusecos #twins #double #cutebabies #Oct25.2019”
Hindi pa rin daw makapaniwala si JC na may kambal siya.
Pero aminado naman siya na nasa lahi raw kasi nila talaga ito, pati na rin daw sa family ni Alu.
“My father is part of a twin, my wife has twin sisters so nasa lahi talaga. Sobrang saya kasi sabi nila, suwerte ang twins,” sey ni JC.
Bale apat na ang anak ni JC. Ang eldest nila ni Alu ay si Ila who is now 4-years old. Sumunod ang lalake na si Irie na 2-years old na.
Happy raw ang dalawang bata sa bagong bilang mga kapatid.
“Ila understands already that she’s gaining two more sisters. She wants to sing, dance and do cartwheels with them.
“Si Irie, who is just two years old, di pa yata maintindihan pero very, very sweet sa babies sa tiyan ng mom niya.”
Kasalukuyang napapanood si JC sa GMA primetime teleserye na “One of the Baes.” (RUEL J. MENDOZA)