Hi Ms. Rica,
Ung asawa ko po, hindi na tinitigasan. Nakapunta na po kami sa doctor at nagtest ng lahat ng pinatest, pero sabi po nila, wala daw pong problema physically ang asawa ko. Baka daw po nasa utak na niya lahat. Ako po na ang may kasalanan nito? Hindi na po ba niya ako gusto? May babae po ba siya?
Scared Wife
Hello Scared Wife,
Nakakatakot ngang isipin ang iba’t-ibang dahilan ng pagkawala ng erection ng iyong asawa. Nakakafrustrate marahil din ito, hindi lang para sa iyo pero para din sa kaniya. At this point, ang importante ay ang pagiging supportive ninyo of each other at ang malawak na pangunawa ninyo sa sitwasyon at isa’t-isa.
This situation can cause feelings of inadequacy sa inyong dalawa. Puwede ninyo itong ma-internalize at puwede niyong sisihin ang inyong sarili dahil dito, katulad nang nangyayari sa iyo ngayon. Pero, kailangan mo rin tandaan na dalawa kayo dito sa sitwasyon na ito, at wala kayong dapat isisi sa isa’t-isa at sa inyong mga sarili. Ang pagiging open at honest sa isa’t-isa is the first step to helping each other get through this.
May mga lalaki na nagkaka-erectile dysfunction dahil sa physiological factors, katulad ng paggamit ng gamot that can interfere with sexual response, pagkakaroon ng heart disease, high-blood pressure, diabetes, physical disability, alcoholism, drug use, o injury na pagpapatigil ng blood flow to the erectile tissue.
Mayroon din dahil sa psychological concerns, katulad ng stress, anxiety, self-esteem, o pagkapagod. Para sa maraming lalaki, puwedeng ang dahilan ay ang pinagsama samang physical, psychological, and cultural factors.
Depending on the cause, different treatment options are available for men with erectile dysfunction. Puwedeng medication, hormone replacement therapy, surgery, sex therapy, or couples therapy.
Dahil sabi mo ay narule-out niyo na ang physical factors, baka kailangan ninyong pagtuunan ng pansin ang psychological factors. Ang pagpunta sa couples counseling and sex therapy ay puwedeng makatulong para malaman ang psychological cause ng ED at maaddress ito.
Puwede rin kayo matulungan through counseling na magkaroon ng healthy communication that could improve your sex life. Bukod dito, makakatulong din ang counseling para matugunan ang iyong mga takot and insecurities about yourself and your marriage, para mas maging matigas at matatag ang inyong samahan. 😉
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.