ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Malapit na naman ang Christmas party namin at sigurado na naman kami na may mga contest na naman na gagawin ang kumpanya namin. Madalas kasi eh dance contest ang ginagawa namin at ngayon pa lang, nagsisimula na kaming mag-practice. Competitive kasi ang mga tao dito at lahat gusto manalo. Gusto ko sana humingi ng payo dahil writer ka ng “It’s Showtime” kung paano ang gagawin para siguradong manalo kami?
Sally ng Quezon City
Hi Sally,
Nanggaling din ako sa corporate world bago pumasok sa showbiz kaya alam ko ang sinasabi mo. Dati akong IT Programmer at kapag Christmas eh madalas ang contest sa amin. Nag-aaway pa nga ang mga managers namin lalo na kapag talo ‘yung manager. Eto ang mga natutunan ko lalo na sa mga dance competition. Piliin niyo ‘yung usong sayaw at usong tugtog, siguradong sigawan agad ang mga tao niyan. Lagyan mo ng kalokohan tulad ng pulang manok. Kumuha ka ng mga members na magagaling. ‘Yung hindi busy sa work para pwedeng magpractice araw-araw! Wag kang kukuha ng mga napilitan lang, mahahalata ‘yan during performance kasi halatang napilitan lang. Nasa gilid madalas ‘yun at walang ka-energy-energy ang sayaw at akala mo may iniisip na malaking problema! At higit sa lahat, kumuha kayo ng manager na hindi nakikitang sumasayaw. Kapag nakita ng mga tao ‘yan na sumayaw, sigawan kasi kahit mukhang tanga, boss siya eh! Maganda makitang mukhang tanga ang boss mo habang sumasayaw! Makaganti man lang kayo sa sobrang pahirap na ginawa niya buong taon. Kumuha ka ng mga seksing officemates, ‘yung madaming may crush. Kuha ka ng isang officemates na bakla, ‘yung hataw at handang magpakamatay! Kuha ka ng isang mataba, sabog ang audience kapag pinag-twerk mo. Kuha ka ng payat na lalake, tapos pagsayawin mo ng breakdance! Ang saya niyan! Tapos sa dulo, maglaglag kayo ng confetti! Ang saya niyan! Pero magagalit sa inyo ang janitor kasi sobrang kalat niyo! Gawin niyo ‘yan at siguradong panalo kayo!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007