Hi Ms. Rica,
Nagagamot po ba ang pagiging seloso? Sobrang seloso ko pong boyfriend. Lagi na lang po akong nagagalit sa girlfriend ko kapag may kausap po siyang lalaki. Hindi ko po mapigilan kahit alam ko naman pong hindi na dapat. Ano pong pwede kong gawin?
Gelo the Jealous
Hello Gelo the Jealous,
Normal lang na makaramdam ng pagseselos kapag ikaw ay nasa isang relationship. Para nga sa iba, mas gusto nilang nakakaramdam ng selos ang kanilang partners para makasigurong mahal pa rin sila nito. Kaya lang, kung ang pagseselos mo ay wala na sa linya at nakakasama na sa iyong relasyon, hindi na ito maganda. Your want to solve this problem is a good sign that you really care abot your girlfriend and that you want to be with her. So paano mo ba ito matutugunan?
First, tignan mo muna kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Kailan ka nagseselos? Ano ang nakakapag trigger ng iyong pagseselos? Sino ang nakakapagpaselos sa iyo? At bakit ka nagseselos? For example, nagseselos ka ba dahil natatakot ka na baka ma-inlove ang girlfriend mo sa iba? Nahihirapan ka bang pagkatiwalaan siya? O natatakot ka sa mga kaibigan niyang lalaki? Try making a list of the things that make you feel jealous. Ilista mo lahat, para mas maintindihan mo kung saan ito nanggagaling. Knowing your triggers may help you manage it better.
Kapag alam mo na kung bakit, it might be helpful to talk about your feelings with your girlfriend. Baka mas maintindihan ka niya, kapag nilabas mo ang iyong concerns at issues nang hindi ka nagseselos at nagagalit. Remind her how much you love her and explain to her what’s making you jealous when she talks to other men. Be careful na hindi mo siya sisisihin about it. At makinig ka kapag siya naman ang nagsasalita.
Isa pang pwede mong gawin ay isipin kung gusto mo bang tratuhin ka nang pareho ng iyong girlfriend. Gusto mo bang magselos din siya kapag may kausap kang ibang babae? Tuwing nagseselos ka, baka pwede ring makatulong kung hindi ka agad agad magpapadala sa selos. Stop and take a moment to check on how you truly feel at kung tama ba ang pagseselos mo. Kung hind, try to reframe your thoughts accordingly. For example, pwede mong isipin na kailangan niya talaga kausapin ang boss niyang lalaki, dahil trabaho niya yun; pero hindi ibig sabihin nun ay ipagpapalit ka na niya.
Tuwing inagseselos ka, baka makatulong din kung isipin mo how much your girlfriend cares about you and loves you. Kasi, kung gusto ka niya talaga iwan, matagal na dapat niyang ginawa. Hopefully, with communication and trust, you two can manage your feelings of jealousy. Good luck!
Love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.