WOW na wow ang former Miss International na si Kylie Verzosa sa kanyang two piece swimsuit while vacationing in Bali, Indonesia with boyfriend Jake Cuenca.
Magpapasko na pero tila summer pa rin ang mindset ng magsing-irog.
S w e e t sweetan ang dalawa sa Bali na a n i m o honey-mooners.
Animong lalaban uli ng Miss International si Kylie sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Hitsura siyang Dyosang bumaba sa langit na tiyak na lahat ng kalalakihan ay mapapasusmaryosep sa angkin niyang kagandahan.
Pihadong ganoon din ang nararamdaman ni Jake sa alindog ng former beauty queen.
Nang-inggit pa nga ito.
Ipinost niya sa kanyang Instagram ang lips-to-lips nila ni Kylie.
Ika ni Jake, “Anywhere is paradise when I’m with you.”
Sinundan pa niya ito ng, “It’s not about just staying with each other. It’s about being happy together. From Jake to Kylie.”
“Ain’t letting you go @kylieverzosa,” diin pa ng aktor na tila humaling na humaling sa jowa.
Wow, huh? Sa kasalan na kaya mauuwi ang relasyon ng dalawa? Well, abang-abang na lang. (DANTE A. LAGANA)