NAKIISA ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa #AsSheIs challenge kamakailan.
Ito ay ang pagpo-post sa socmed ng picture na unfiltered, unedited na sinimulan via Live Life Unfiltered o LLU, isang movement na nagpapaalala sa mga batang kababaihan na sa likod ng perpektong litrato ay may pangkaraniwang babae na may insecurities and bad days.
After mag-post ni Catriona ng litrato na wala siyang make-up, ipinasa niya ang hamon sa mga friends niyang beauty queen din.
Ani Catriona, “This is the skin I wake up in every day. I love playing with makeup and being glam, but I’ve also grown to love the skin I wake up in acne scars, moles and all. I too have days where I dont feel confident, or my insecurities are louder…but that’s okay. Loving yourself as you are is a journey, but it’s a journey worth taking.”
Hindi naman inurungan nila Nicole Cordoves at Sandra Lemonon ang hamon ni Catriona. (DANTE LAGANA)