PAREHONG dumalo sina Marian Rivera at Heart Evangelista sa Thanksgiving Party ng GMA7.
Nagkita kaya sila?
Ilang years na ang lumipas since nagkaalitan sina Heart at Marian. Wala kayang namamagitan para magkaayos sila?
Nag-effort si Marian na magkaayos sila ng former manager niyang s i Popoy Caritativo. Humingi pa nga siya ng tulong sa talent nitong si Dennis Trillo.
Okay na rin sina Marian at Lovi Poe. Basta nagkabati na lang sila noong nag-guest si Lovi sa “Sunday Pinasaya.”
Si Heart, never pa yatang nag-guest doon kapag may ipino-promote siyang show or whatever.
Sadya bang nag-iiwasan sila ni Marian? Just asking!
MAKABAYAN
Kung puro branded ang mga damit, sapatos, bags at iba pang stuff ni Heart, mga gawang Pinoy naman ang mga isinusuot ngayon ni Marian.
Sinasadya ba ito?
Kwento ni Marian, ibinenta na niya ang mga designer clothes, shoes and bags niya.
Ayaw daw niyang makipag-kumpitensiya sa mga celebrity na ipinagmamalaki pang branded ang kanilang mga gamit.
Puro local na lang ang ginagamit niya ngayon.
At kung si Heart madalas abroad, mas gusto ni Marian libutin ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kesa sa labas ng bansa.
LANTARAN NA
Sa kabila ng mga saksi sa ginawang eskandalo ni Bianca Umali sa parking lot ng Megamall kung saan muntik daw siyang masagasaan, itinanggi pa rin ito ng buong ningning ni Ruru Madrid. Wala raw ganoong insidente. Huwag na raw pag-usapan ‘yun.
Mukhang so much in love si Ruru kay Bianca.
Sa mga photo nga nila sa Thanksgiving Party ng GMA, sweet-sweetan pa sila. As if, walang nangyari.
Ano kaya ang saloobin ng daddy ni Ruru na nagbantang aalis ito ng bahay kapag nakipagbalikan pa ang anak kay Bianca?
Mukha namang walang naganap na break-up. Lantaran na ang kanilang PDA (Public Display of Affection). May photo na magkayakap sina Ruru at Bianca. Merong nakaakbay si Ruru kay Bianca.
Ayaw pa kasing umamin eh, obvious naman na meron, meron!