MALAKAS ang bulong-bulungan na magpapasakal este, magpapakasal na daw itong si Maja Salvador sa boyfriend na si Rambo Nuñez.
Pero itinanggi ito ni Maja.
Aniya, “Wala pa. Sabi ko nga sa ibang interviews ko, ito ang first time na sobrang open ako sa relationship ko. Sa Instagram, as in wala, very open ako. So hindi ko po ipagkakait ‘yung moment na ‘yun, ‘yung happiness na ‘yun, kung mangyari man ‘yun kung mapagdesisyunan man namin ni Rambo na i-take na namin ito to the next level, malalaman niyo po.”
One thing for sure, she feels so loved by Rambo and his family.
“Walang nagbago. After nine years, mas quadruple pa ‘yung love na binibigay nila, especially ‘yung mga kapatid niya, lalo na si Tita Marilen (Nunez, ina ni Rambo). Since very supportive sila. ‘Yung talagang ipaparamdam nila na parte ako ng pamilya nila,” sey niya.
Eh di ikaw na. Charot! (DELIA CUARESMA)