GUMAWA ng ingay ang celebrity couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad pagkatapos nilang isapubliko ang kanilang engagement.
Oo at tila nakiuso nga ang dalawa, ito’y makaraan umamin sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na finally engaged na sila.
Sabi sa report nagpropose daw si Anthony kay Sam noong bumiyahe sila sa Australia August this year.
Inamin ni Sam na naiyak siya nung inilabas na ni Anthony ang singsing at isinuot sa daliri niya.
Last June, naging laman ng mga pahayagan ang dalawa nang magpost ng picture si Anthony sa kanyang Instagram na tila ukol sa engagement.
Agad bumuhos ang congratulatory messages mula sa celebrity friends nila.
Ngunit ito’y agad itinama ni Sam.
Sa socmed, sinabi niya na hindi pa sila engaged ng boyfriend pero nagpasalamat pa rin siya sa mga bumati.
In any case, walang magaganap na agad-agad na kasalan sa dalawa.
Sa 2021 pa raw ito kung sakali dahil mag-gigive way daw sila sa kasal ng kakambal ni Anthony na si David Semerad sa aktres din na si Gwen Zamora na next year na gaganapin. (DANTE LAGANA)