TUWANG-tuwang ang mga barako sa huling post ni Heart Evangelista sa Instagram.
Ito ay ang luma niyang photo kung saan naka-bikini siya para sa isang alcohol brand.
Kuha pa ito noong 2013 at aniya, “First and last time I ever did something like this!”
Tila nga inggit si Heart sa dating katawan dahil aniya para daw gusto na uli niyang mag-exercise at mag-diet.
Hindi natapos ang pagbabalik tanaw ni Heart.
Nag-post pa ito ng isang video kung saan makikitang tila wala siyang kilay at kulot kulot ang buhok.
Aniya, “‘Di na to uulitin!”
Sangayon kami diyan, Heart! (DELIA CUARESMA)