GRABE ang sagot ni Jimmy Bondoc sa maiksing puna ni Agot Isidro hinggil sa saglit na pagpapahinto ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng medical aid para sa mga nangangailangan.
Hindi naman siya galit at welcome naman daw niya ang kritisismo nguni’t kailangan daw ni Agot ng sapat na kaalaman ukol sa serbisyong bayan bago ito magpuputak.
Ganun?
Ano ba sabi ni Agot?
Ito: “This is not fair. Why punish everyone for the sins of a few? Marami ang nanga-ngailangan ng medical assistance. This is not right.”
‘Yung “a few” na sinasabi ni Agot ay ang mag-asawang nahuli ng ahensiya na nameke ng dokumento upang makakuha ng medical assistance.
Ayon sa ilang pahayagan, ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang PAGCOR na ihinto muna pansamantala ang kanilang medical aid assistance.
Umalma rito si Jimmy na siyang tinalagang Vice President for Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR.
Aniya, dapat subukan muna ni Agot magtrabaho sa gobyerno para alam niya ang sinasabi niya.
“Sana talaga, makapag trabaho ka sa gobyerno. Kahit isang taon lang.
“You, and people like you, should really step into these waters, if only for your personal growth.
“I have grown a lot here, and I wish the same for others. You should really try it, because it will make you a better person, in my opinion.
“Because for now, I don’t think you are a horrible person. But because of your lack of experience in agency work in the public sector, you end up saying horrible things.
“It doesn’t make you a horrible person. But it makes you a dan gerous one, and a very discouraging one as well, especially to well-meaning government employees which exist in any administration.”
Marami pa siyang sinabi pero hindi na namin ilalathala. Baka kami naman ang balikan niya.
Charot! (DELIA CUARESMA)