BY DANTE A. LAGANA
SERYOSO talaga ang bagong Darna na si Jane de Leon na ma-gampanan nang maayos ang iconic role.
Puspusan na nga ang training na ginagawa ng seksing dilag para sa big break na iniatang sa kanya ng kanyang mother network na ABS-CBN.
Sa kanyang Instagram, ipinasilip ni Jane ang isang video kung saan ginagawa niya ang tinatawag na hyperextension training, isa itong ehersisyong pampalakas.
Una pa lang daw ito.
Aniya, “Starting today mag-uupload na ako ng mga trainings ko.”
So, asahan na ninyo mga Darna fanatics na may iba pang video na i-uupload si Jane na ikaka-wow ng karamihan.
Matagal din naghintay si Jane bago mabigyan ng ganitong kala-king break.
Inamin niya na marami din siyang pinagdaanang rejections noon pero hindi naman daw naging balakid ang mga ito sa kanya iyon upang ipagpatuloy pa ang kanyang showbiz career.
Naging mas motivated pa nga daw siya na i-fulfill ang pangarap.
At heto na nga, handa nang lumipad ang isang Jane de Leon.