ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Malapit na ang birthday ko at gusto ko sana magpa-party. Balak ko sana imbitahin ka para mag-host at mag-standup. Konti lang kami at maliit lang ang venue. Sana may discount kasi konti lang kami. Saka pwede bang bayaran kita ng 50% pera tapos 50% items. Sana available ka. Sa Lucena kami. Pwede bang sagot mo na ang transportation papunta sa amin total birthday ko naman. Pwede ka ba sa 1K na bayad tapos magbibigay ako ng GC ng spa dito sa Lucena worth 1K? Sana malaman ko agad ang sagot mo.
Bernard ng Lucena
Hi Bernard,
Babatiin muna kita ng happy birthday bago ko sagutin ang mga tanong mo dahil nag-init ang ulo ko! Unang-una, kahit maliit o malaking party, isang lang ang bayad sa akin kasi isa lang naman ang performance ko! Wala naman akong pang-sampung tao na performance at pang-isang libong tao na performance. Basta show, todo-bigay ako! Hindi ako pumapayag sa ex-deal kasi nadala na ako dyan! May nag-imbita sa akin dati, ospital, ang binayad, kalahati pera, kalahati, GC o gift certificate! Alam mo kung ano yung GC? Trentang X-ray! Ang expiration ng GC, isang buwan lang! Araw-araw akong nagpa-xray! Yung isa naman, punenarya, kabaong ang binayad sa akin! Tapos taga-Lucena ka pala! 1K ibabayad mo sa akin! Pamasahe pa lang papuntang Lucena, tapos na ako! Tapos ang ibabayad mo 1K na spa, tapos yung spa, sa Lucena pa! 1K, eh sa tip at pamasahe pa lang papunta dyan, abonado pa ako! Pasensiya na ha! Sana sinabi mo na lang na gusto mo akong magperform ng libre, baka pumayag pa ako!
*
Hi Alex,
Nagkayayaan ang tropa na mag-videoke next week. Pero ang iba, hindi naman daw kakanta dahil mahiyain! Itutuloy pa ba namin ito?
Sonya ng Quiapo
Hi Sonya,
Ituloy niyo pa rin! Kasi yung mga mahiyain kumanta na yan, maniwala, hindi na bibitawa sa mikropono yan! Magpipila ng sampung kanta yan, akala mo, concert niya! Ganyan ang pinoy, kunyari mahiyain at hindi kakanta. Kapag nahawakan ang mikropono, magkakamatayan na kayo bago niyo maagaw!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007