BY DANTE LAGANA
MUKHANG sunod sunod ang labas ng Kapuso aktres na si Lovi Poe sa kabilang network sa ABS-CBN.
Kamakailan lang ay nakita siya sa “Rated K.”
Naging panauhin din siya sa “Magandang Buhay.”
Ngayon naman gumigiling na ang camera para sa bagong project niya para iWant, ang streaming service ng Kapamilya network.
Ipinost ni Roldeo “Deo” Endrinal sa kanyang Instagram account ang behind-the-scene photos ng shoot nila.
Sey niya, “Zanjoe Marudo & Lovi Poe, now shooting in Matera, Basilicata, Italy, directed by Connie Macatuno.”
Dahil nga dito, haka haka tuloy ng ilan na iiwan na ni Lovi ang GMA-7.
Tinanong ng TEMPO ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez ukol dito.
Diin niya, “Not true Lovi is under contract with GMA.”
Patunay pa ni Leo, next year daw ay may naka-schedule na teleserye si Lovi sa Kapuso network.
O, ayan. Malinaw na huh?