BY DELIA CUARESMA
GUSTO na uli ni Pauleen Luna magbuntis.
Ito nga raw ang isa sa mga Christmas wish niya.
Bakit?
Well, two years old na raw si Baby Tali at gusto niyang may kalaro ito.
Ani ng 31-year-old na misis ni Vic Sotto, 65, “It does not matter if it’s a boy or girl, basta magkaroon lang ng playmate si Tali. (I’m) ready.”
I’m ready na daw Bossing! Charot!
Bukod sa pagbubuntis, hiling din ni Pauleen ang success ng Metro Manila Film Festival 2019 movie ni Vic na “Mission Unstapabol: The Don Identity.”
Dahil magiging abala sa pagpo-promote ng pelikula si Bossing, dito na raw sila magpapasko sa Pilipinas.
Sey ni Pauleen, “Every year naman dito talaga kami. Kung meron man kaming mga plans na (magbakasyon abroad), definitely, after Christmas kasi we have to finish at least opening day of MMFF.”
Pak!