ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Kapag naliligo ang mister ko eh napakatagal. Dati, mabilis siya maligo, ngayon napakatagal! Kapag tinanong ko naman kung bakit siya matagal maligo eh hindi sumasagot! Bakit may mga lalakeng mabilis maligo at may matagal maligo?
Fely ng Makati City
Hi Fely,
Madaming mga dahilan sa tagal at bilis ng pagligo. Mabilis maligo kapag nagmamadali at male-late na sa pupuntahan. Mabilis maligo kasi malamig ang tubig. Sa matagal maligo, medyo may mga isasagot ako sa’yo na hindi mo magugustuhan. Maaring malinis sa katawan ang mister mo kaya matagal maligo. Matagal siya maligo dahil naghihilod at nagkukuskos ng katawan. Maari rin naman na nagbabasketball siya sa banyo. Ang ibig sabihin nang nagbabasketball eh gumagawa ng milagro. Maaring sumama ang loob mo misis kasi bakit kailangan niya gumawa ng milagro eh may asawa naman siya. Kayo na bahalang mag-usap. Eto ang pinakahuling dahilan. Kapag dala niya ang cellphone niya sa loob ng banyo, malamang may kausap yan sa loob. Tanungin mo siya pero malamang hindi aamin yan!
*
Hi Alex,
Matagal na akong tumigil sa paninigarilyo at ngayon gumagamit ng vape. Nahirapan ako ng tumigil ako sa paninigarilyo at kung hindi dahil sa vape, malamang naninigarilyo pa rin ako ngayon. Pero bawal na din mag-vape kaya namromroblema ako kung ano ang gagawin ko! Hahanap-hanapin ko ang vape pero ayaw ko naman makulong! Ano ang gagawin ko?
Jasper ng Alabang
Hi Jasper,
Magvape ka pa rin. Kapag nahuli ka at nakulong, sa loob ng kulungan, pwede ka mag-yosi! Pwede ka naman bumalik sa pagyoyosi, nasa desisyon mo yan! Wag ka lang mag-droga!
*
Hi Alex,
Napapansin ko na dumadami ang puting buhok ng tatay ko. Nakakalungkot kasi tumatanda na siya. Hindi niya lang sinasabi pero nakikita namin na tumatanda na talaga ang tatay ko. Madali na siya mapagod. Ano ba ang gagawin ko para marelax siya kapag nasa bahay siya?
Zaldy ng Marikina
Hi Zaldy,
Para marelax ang tatay mo, bunutan mo ng puting buhok. Marerelax yun kasi masarap ang bunutan ng puting buhok. Para kumita ka, maningil ka ng sampung piso isa. Kumita ka na, narelax pa ang tatay mo!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex[email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007