HULA ng mga netizens, si Barbie Imperial ang tinutukoy na “manika” na isinumbong kay Raffy Tulfo ng isang P.A. (personal assistant).
Bakit? Well, ang term daw kasi ay parang tumutukoy sa Barbie, as in Barbie doll.
Ayon sa P.A., parang kasambahay ang trato sa kanya ng pamilya ng Star Magic talent.
Lahat daw ng gawaing-bahay ay ipinapagawa sa kanya ng pamilya, kasama na ang nanay nito, ang kapatid at ang kinakasama ng kapatid.
Ang siste, si Barbie nga ba ang involved dito?
Wala pang pormal na statement ukol dito ang aktres maging ang Star Magic.
NAGPAPAHIWATIG?
Matapos i-deny ang statement ng Pangulo na diumano’y pinapalayas na niya sa sarili nilang bahay ang husband niyang si Senator Kiko Pangilinan, ito at nag-post naman si Sharon Cuneta ng bagong palaisipan sa netizens.
Parang nagpapahiwatig kasi ang Megastar na gusto niyang manirahan sa ibang bansa.
Nag-post pa nga siya ng isang litrato ng bahay na gusto raw niyang tirahan.
Gusto raw niya sa isang lugar na nagkakaroon ng snow kapag winter.
Ewan kung seryoso o joke lang ni Sharon ang kasunod niyang mga sinabi na kesyo sumunod na lang daw si Dada (Sen. Kiko) dahil mukhang in love pa sila ng politics.
Mauuna na lang daw sila ng anak nilang si Frankie na sa kasalukuyan ay nasa New York at nag-aaral.
Bwelta ng netizens, hindi pala si Kiko ang gustong umalis ng bahay nila kung hindi si Sharon mismo.
Una rito, may pahayag ang Megastar na gusto na raw niya mag lie-low sa showbiz.
PASKONG KAPUSO
Sina Betong Sumaya, Sophie Albert at Tetay ang hosts ng “Paskong Kapuso 2019 GMA’s Christmas Party for the press na ginanap noong Dec. 3 sa GMA Annex Studio. ‘Andun ang ilang big bosses at executives.
May mga Kapuso stars din na nagbigay ng entertainment. Bukod sa raffle, may mga give-away at games na sinalihan ng press.
Male and Female Star of the Night sina Joe Barrameda at Erlinda Rapadas.
Thank you sa GMA sa pagbibigay-halaga sa press as always!