BY RUEL MENDOZA
**
TODO-focus si Jane de Leon sa kanyang training bilang paghahanda sa kanyang pagganap as Darna.
Ayaw niya daw kasi mapahiya pagdating sa mga gagawing stunts at action scenes para sa pelikula.
Todo research din siya para mas mapaganda daw ang portrayal niya ng iconic komiks character.
Pero ano na nga ba ang nangyayari? May nasimulan na ba silang i-shoot na mga eksena?
Ani Jane, “Inaasikaso po namin ang location with the production and even the cast din.”
In any case, na-meet na ni Jane ang ilan sa mga gumanap ng Darna in the past katulad nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez-Alcasid at Marian Rivera.
At nakatanggap nga raw siya ng magagandang salita mula sa mga ito.
“Na-meet ko na din si Liza (Soberano). We had dinner already. Looking forward naman na ma-meet ko si Ate Angel Locsin,” ngiti pa ni Jane.
Si Liza ang original choice to play Darna, pero nag-backout ito dahil sa kanyang finger injury.
July 17, 2019 nang i-announce officially ng ABS-CBN Films na si Jane de Leon ang napiling gaganap na Darna. Tinalo ni Jane ang higit na 300 actresses na nag-audition para sa role.