BY DELIA CUARESMA
**
BINASAG ni Jomari Yllana ang pananahimik ilang araw makaraang isapubliko ng dating kinakasama na si Joy Reyes ang diumano’y pag-aabandona nito sa kaniya at kanilang dalawang anak.
Ani Joy, babaero raw si Jom at sa kasalukuyan ay may bago na naman daw itong jowa.
“No, no, no. I deny that,” diin ni Jom sa report ng PEP.Ph. “Dini-deny ko yung accusations na meron akong mga babae.”
“Marami nga, maraming sinasabi. It was brought to my attention also na sinasabi na meron akong matrona, matrona na sinusustentuhan ako. I deny these accusations.”
Hindi daw ‘yung pangbabae niya ang naging problema sa relasyon.
Aniya, “’Yung naging sitwasyon namin, it’s really irreconcilable differences, na talagang iba lang yung pagkatao niya sa pagkatao ko.”
Ganunpaman, inamin niya na mayroon na nga siyang bagong kinakasama at ito ay walang iba kung hindi ang dati rin niyang girlfriend na si Abby Viduya, ang dating bold star na mas kilala sa screen name na Priscilla Almeda.
Pero ayaw na muna raw niyang magsalita rito dahil ayaw niyang madamay sa gusot ang pamilya ni Abby.
“In due respect sa family, because the family is being dragged also, I’d like to keep it private na lang muna. Respeto lang dun sa pamilya at sa kanya.”
“Pero hindi ko naman idi-deny na siya. Yes, we’re seeing each other.”
‘Yun na!