Hi Ms. Rica,
Meron po ako isang problema. Ano ang gagawin ko kasi everytime we make love madali lang ako malabasan. Di tulad ng dati at my age around late 20’s umaabot ng 5 mins. Ngayon ilang hindot lang nilalabasan na ako agad. Age factor ba yan? Ano ang dapat kong gawin?
Mr. Quickie
Hi Mr. Quickie,
Well, walang mabilis na sagot sa tanong mo. Madaming factors ang pwedeng in play kaya ka mabilis na nilalabasan. Premature ejaculation ang tawag sa mabilis labasan usually kapag kakapasok pa lang ng penis. It is actually common at nangyayari sa around 30% na mga lalaki below 25 years old at 10% naman sa mga lalaki na older than 25 years old. Ang mga common na cause of premature ejaculation ay overstimulation o overexcitement, anxiety about sexual performance, o kaya naman ay stress.
Para sa ibang lalaki, pwedeng nakakaranas ng premature ejaculation dahil ito ay ang nakasanayan nila. For example, if during masturbation, ikaw ay palaging nagmamadali at natatakot mahuli – kaya kailangan ay mabilisan ang paglabas ng ejaculate – ito ay pwedeng maging learned habit. Another cause could be your lack of awareness sa mga sensations ng iyong katawan. Kung hindi mo alam ang physical sensations before you orgasm, mas mahihirapan kang i-control ang iyong ejaculation.
Kung ano man ang cause ng iyong rapid ejaculation, you may try two techniques na effective sa mga ganitong sitwasyon. Ang unang method ay ang start-stop method. Ito ang literal na pagtigil sa stimulation kapag nararamdaman mo na ikaw ay malapit nang labasan. Usually, ginagawa ito during masturbation hanggang ikaw ay masanay. Pagkatapos ay i-apply mo ito during sexual intercourse. Ang pangalawang method naman ay ang squeeze technique. Ito ay ang pagsqueeze o pagpigil ng ejaculate by applying pressure on the penis – sa gitna ng shaft at ng ulo. (You may Google photos of this). Through squeezing, nawawala ang desire mo na mag-orgasm. Katulad ng start-stop method, kailan mo rin itong i-practice at i-master habang ikaw ay nagmamasturbate, pagkatapos ay gawin mo ito kasama ang iyong partner.
Hindi madalian ang solusyon sa mabilisang pag-ejaculate. Kailangan ng patience at pagiging secure sa sarili para ma-master mo ang skill na ito. And over time, through practice, mapapansin mong kaya mo nang patagalin ang penetration bago ka mag-orgasm. Hope that helps.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.