Ms. Rica,
Ano po ‘yung calendar method? Para po ba malaman ‘yun kung kailan mapusok si misis? Gusto ko po kasi malaman kung ano ‘yun.
Walang Kalendaryo
Hello Walang Kalendaryo,
Ang calendar method ay isang paraan ng pag-family planning para mabawasan ang risk ng pagbubuntis o kaya ay malaman kung kelan mataas ang probability na pwede mabuntis. Kung gusto ninyong mabuntis, makikipagsexual intercourse ka sa iyong misis sa kaniyang fertile days.
Kung ayaw niyo namang mabuntis, kayo ay magsesexual intercourse lang tuwing non-fertile days ng iyong misis.
Ang calendar method ay hindi paraan para malaman mo kung kailan mapusok si misis. Iba-iba kasi ang mga babae pagdating sa kanilang sexual arousal at interest. Kaya hindi lang ang pagiging fertile o hindi fertile ang basehan sa pagiging mapusok.
Ang calendar method ay base sa menstrual cycle at history ng isang babae. Madali lang itong intindihin lalo na sa mga babae na regular ang cycle.
Paano ito gagawin?
Alamin mo ang shortest cycle ng misis mo at bawasan ito ng 18. Ang numerong makukuha ay ang gagamiting bilang from the first day ng cycle at ito ang first fertile day. Ang last fertile day naman ay kukunin ang longest cycle at binabawasan ng 11.
Kunyari, ang shortest cycle ay 28 days at longest cycle ay 31 days. Ang 10th day after first day ng mens ay ang unang araw ng fertility at ang 20th day naman ang last day. Meron kang 10 days na window para sa fertility. Ibig sabihin, kung ayaw mong mabuntis si misis, huwag kang makipagtalik during this time.
Kailangan mong tandaan na ang calendar method ay hindi ganoon ka-reliable kung ang cycle ay mas maiksi sa 27 days or kung ito ay irregular. Ang method na ito ay pinaka applicable sa mga hindi mas matagal sa 32 days ang cycle at hindi mas maiksi sa 27 days.
Maganda ang family planning para masiguradong prepared kayo sa pagkakaroon ng baby sa inyong buhay. Pero, hindi ito paraan para malaman ang pusok level ng iyong misis.
Kung gusto mo malaman kung mapusok si misis, mas maiging tanungin mo siya kasi siya lang ang nakakaalam ng tamang kasagutan. Hope that helps!