ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
***
Hi Tito Alex,
Malapit na ang bagong taon pero wala pa ring nagpapaputok. Dati, papasok pa lang ang December eh ang dami ng nagpapaputok. Alam kong bawal na pero nakaka-miss din talaga! Iba pa rin kasi ang ingay ng paputok, kapag narinig mo, alam mong malapit na ang bagong taon. Napakatahimik ng paligid. Gusto ko san ibalik ang dati at makarinig ng putok! Posible po ba ulit ibalik ang paputok?
Froilan ng Pasay
Hi Froilan,
Gusto mo ng paputok? Madali lang yan! Wag kang maligo, magkakaputok ka!
***
Hi Tito Alex,
Gustong swertehin sa darating na bagong taon. Ano ba ang dapat kong gawin? Magsuot ng polkadots? Maghanda ng mga bilog na prutas? Maglagay ng pera sa bulsa? Bago ang suot na damit sa pagsalubong sa bagong taon? Ano ba ang kulay na susuotin kong damit? Mag-ingay para mawala ang malas? Magpaputok sa labas para bugawin ang masamang espiritu? Ano ba ang gagawin ko para swertehin ngayong bagong taon Tito Alex?
Maxuel ng Pasig
Hi Maxuel,
Kung ano-anong mga kalokohan ang pinag-gagawa at pinaniniwalaan mo! Magtrabaho ka at maging masipag ngayong bagong taon, swertehin ka!
***
Hi Tito Alex,
Nagpunta ako sa mga ninong at ninang ko ng nga nakaraang Pasko pero wala silang lahat sa bahay. Umalis daw at nagbakasyon. Balak ko sanang pumunta ngayong bagong taon para mamasko kasi sa tingin ko Christmas season pa din. Pwede pa ba akong magpunta sa mga ninong at ninang ko sa bagong taon?
Brenda ng Alabang
Hi Brenda,
Pumunta ka pero sa tingin ko wala pa rin sila. Kung ang dahilan sa’yo sa Pasko ay umalis sila at nagbakasyon, ang idadahilan naman ngayon sa’yo ay hindi pa bumabalik. Mag move-on ka na. Try mo na lang sa susunod na Pasko!
***
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.