PANGIT ang pagbukas ng taon sa mga panatiko nina James Reid at Nadine Lustre.
Ito ay dahil sa patuloy na pagkalat ng balitang naghiwalay na nga ang dalawa.
Ayon sa mga reports, tuluyang nawasak ang samahan ng dalawa bago matapos ang 2019 dahil sa “irreconcilable differences.”
Of course, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa hinggil dito.
Pero sa local showbiz nga daw, pag walang kuda, totoo.
Anyway, nagsimula umugong ang balita dahil sa magkakasundo na cryptic posts ni Nadine sa Instagram.
Una na rito ang “I can’t be who you want” na caption niya sa isang photo.
Ilang araw ang nakalipas ay nag-post ito ng bagong litrato ng apat na taong nasa beach.
Aniya, “no questions. just go with it.”
Nag-post ang aktres ng black-and-white photo naman niya nitong huli na aniya, “For good reason, lost all of my love.”
Kasama kaya si James sa tinutukoy niya?