Dear Ms Rica,
Happy New Year po! Tulungan niyo po sana kami ng hubby ko. Ano po bang pwede namin gawin para mas masayang sex life?
Thank you po.
Bored Momma
Hello Bored Momma,
Happy New Year to you too! Well, saktong sakto ang pag message mo sa akin dahil now is the best time to try new things for your marriage and your sex life! New year, new sexcapades!
But of course, hindi lang basta basta ang pagkakaroon ng masayang sex life. Kailangan din nito ng hard work, respect at open communication ninyong dalawa magasawa. Para maachieve to, iro ang ilan sa mga tips na pwede niyong gawing new year’s resolutions para sa mas exciting na sex life:
- Magusap everyday! Kailangan ay maglagay kayo ng oras sa isang araw na paguusapan niyo ang nangyayari sa bawat isa. Share your feelings, thoughts, pati na ang mga takot at galit niyo sa isa’t isa. Bonus na kung isasama niyo ang mga fantasies niyo! This will encourage openness and trust sa inyong dalawa that can lead to a better sex life!
- Magsexcapade once a week. Pwede kayong magschedule ng Sexy Thursdays (or any day) that you can look forward to every week. Di kailangan na intercourse palagi, pwedeng kahit foreplay lang. Katulad ng chow time o kahit hawak hawak lang, pwede na. Basta time ito for you two to be intimate with each other.
- Kiss every night. Tuwing gabi, bago kayo matulog, make sure that you kiss each other. Hindi ito ung lola kiss na smack lang ha. Kailangan kasama dila with matching hawak hawak. Okay lang matawa kayo, pwede rin kayong maglaro, ang importante, magawa niyo at hindi niyo makalimutan ang feeling ng matamis na halik ng bawat isa.
- Practice gratitude. Bukod sa paghalik, kailangan din ay nireremind niyo ang bawat isa kung bakit niyo mahal at gusto ang isa’t isa. Everyday, say thank you to each other. Kahit sa mga maliliit na bagay kailangan ay iparating niyo sa isa’t isa that you appreciate each other.
- Have your me time. Siyempre, hindi puro kayo lang dalawa ang dapat niyo intindihin. Kailangan ay may oras din kayo na wala ang isa’t isa at para sa sarili lamang. Go out with your friends, magmall magisa, at kung anu ano pa. Kapag may oras kayo for yourself, mas maappreciate niyo ang time niyo with your partner at hindi kayo magsasawa sa isa’t isa.
Ilan lang yan sa mga tips na pwede niyong gawin for a better marriage and sex life. Sa next column ko, magbibigay naman ako ng mga tips na pwede gawin during sexy time. Hope that helps!
Love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.